Lolspik

Mula sa Pekepedia
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Lolspeak (lolspik) ay ang opisyal na lenggwahe ng mga Lolcat.

Kasaysayan[baguhin]

Pinaniniwalang nagsimula ang lolspeak sa mga internet n00bs na nagkalat sa iba't-ibang website, tulad ng mga message boards, at pati na rin sa mga chat rooms at MMORPGs. Sila ang naging basehan sa mga Lolcat na nakikita natin ngayon. Ang kanilang mali-maling pindot sa keyboard, mali-maling sentence construction, at sobrang paggamit sa mga letra at iba pang mga pananda.

Ang mga pangunahing gumagamit ng lolspik ngayon ay 4chan at I Can Has Cheezburger.

Katangian/Paggamit[baguhin]

Ang lolspik ay may kaakibat na patakaran sa tamang pagsulat at paggamit nito. Ang lolspik ay maling paggamit ng Ingles, kaya't ang maling paggamit nito ay maituturing na tamang paggamit ng Ingles.

Pagpapalit-palit ng mga letra[baguhin]

Dahil sa pagmamadali mong magtayp, palit-palit ang ibang mga letra mo. Kapag nagmamadali ang isang tao, madalas napapagpalit niya ang ibang mga letra sa mga salita n'ya.

  • like - liek Halimbawa: "I liek your mudkip"
  • that - taht
  • yeah - yaeh

Pagbaybay ng mga salita[baguhin]

Marami ring mga salita ang may kakaibang pagbaybay, dahil sa pagbasa o pagbigkas sa mga salitang ito. Dapat pakinggan ang salita at alamin ang pagbaybay na gagawin.

  • Hi - hai
  • Could - cud

Maaring gamitin dito ang 1337 skillz mo sa texting at SMS words.

Subject-Verb Agreement[baguhin]

Alalahanin kung ano ang tamang verb tenses na gagamitin.

  • I can haz chizburgr now?