Tulong:Gabay sa mga baguhan/Cyberasaran

Mula sa Pekepedia

Gabay sa mga baguhan
para maging Pekepedianista
Overview

Overview
Dahilan: Ano ba ang isang
"Pekepedia"?

Seryoso ba kayo?

Sa Magandang Pagsusulat

Writing Advice
Paggawa ng artikulo
Time=Funny
On Formatting Well
Speeling and, GRAMMOR
Make Sense
Don't State the Obvious

Tungkol sa Kagandahang Asal

Be Civil
Bawal ang Cyberasaran
Redirecting Done Right
Paano iuugnay ang teksto(???)
Bagay na pwedeng burahin
na walang babala

Mga admisitradors
Komunikasyon
Hindi pagkakaunawaan
Pa-cheseburger ka sa mga admin!

Pagtatapos

Conclusion

Tutukan mo...

Help Contents
Ang Pekepedia ay hindi isang...

Hindi ipinapahintulot ang Cyberasaran. Bago tayo'y magpatuloy tungkol sa Cyberasaran, bigyan natin sila kung ano ang cyberasaran, ang ibig sabihin niyan, at ang mga ehemplo ng cyberasaran.

Mga nilalaman

[baguhin] Tungkol sa Cyberasaran

Ang katapat ng cyberasaran sa Ingles ay cyberbullying. Ginagawa ito ng mga ilang tao para manglait ng tao sa cyberspace. SIguro wala silang magawa sa buhay.

[baguhin] Ang Cyberasaran ay...

  • Gumagawa ng artikulo na umaatake sa partikular na tao na kilala mo sa malisyosong pamaraan, pero hindi alam ng ibang tao (Halimbawa: Si <pangalan ng tao> ay kumukulangot pa rin, kahit siya'y may seksing asawa...)
  • Nagbibigay ng banta sa pamamgitan ng Internet (halimbawa pa: Papatayin kita, <pangalan ng tao>!)
  • Binabantaan o iniinsulto kahit sino sa Pekepedia, o gumagawa ng mga artikulo para insultuhin ang isnag tao at/o nagbibigay ng personal na inpormasyon ng isang tao. (isa pang halimbawa para tapos na: Hoy, si <pangalan ng tao>, gusto ng bading! Text mo siya sa 0906<pitong numerong guni-gunihan ng isang tao>! Kahit transsexual, ok lang sa kanya!)

Halos lahat ng mga cyberasarero ay tumatarget ng mga taong kilala nila sa totoong buhay, at hindi sila gumagamit ng Pekepedia. It doesn't really matter either way, ika nga.

[baguhin] Ang cyberasaran ay hindi...

  • May katalinuhan, nakakatawa, katawa-tawa, o nagaaliw ng tao para pasayahin sila. Simple 'yan. Halos lahat ng uri ng pangungutya sa pamamagitan ng cyberspace ay lumalabag sa mga hindi pa sinusulat na mga patakaran sa Pekepedia.
  • 1337 o leet sa Ingles. Ikaw ay hindi magiging 1337. Pati na rin ang pangungutya mo. Hindi ikaw 1337 h4x0r katulad ng ilang tao dahil ika'y gumawa ng artikulo sa Pekepedia; lahat ng tao ay may pribelehiyo na iyan! Sa makatuwid, ang "pribilehiyo" ay hindi magkapareho sa "karapatan".
  • Pinahintulutan. Obvious naman ito kahit ang pahina ng tulong na ito ay tungkol sa dahilan kung bakit ang cyberasaran ay hindi pinahihintulutan, pero ang mayorya ng mga cyberasarero ay hindi masyadong matalino at kailangang ipaulit ito.


[baguhin] Bakit?

Kasalukuyang isinasalin pa ang bahagi na ito dahil sa kahirapan ng pagsalin nito.


Mga kagamitang pansarili