N00b

Mula sa Pekepedia
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Paunawa: Huwag baguhin ang pahinang ito kung ikaw ay isang n00b.

Ang n00b ay isa, kung hindi ang una, sa pinakamabababang uri ng species na tao. Ito ay agresibo at makitid ang utak. Mag-ingat sa n00b.

Pagkakaiba sa Newb[baguhin]

Ang isang n00b ay, 'di tulad sa paniniwala ng marami, ay hindi kaparehas ng isang newb. Pero wala tayong pakialam dun dahil ang n00b ang pag-uusapan natin.

Katangian[baguhin]

Maraming katangian ang isang n00b. Lahat tayo ay galing dun, kaya lahat tayo ay may bahid ng isang n00b.

noobish - Eto ang sariling lenggwahe ng mga n00b. Ito ay tulad ng salitang vaklush, na kung saan madalas ang isang salita ay maraming nakakalitong kahulugan. At dahil dito maaring dumugo ang iyong ilong.

“stFU /../..an, i r teh r0xx0rz liek emin3m, u cna go tO EHLL OR ATLE4St help m3 wit hthIS!!111!!!!!!!1~~1!!``!! LOLLOLOLLOLOLlOoLLOlollLLl u n00b”

~ Halibawa ng n00bish. Nakakahilo 'di ba? At trying hard 1337 pa s'ya. Lufet!


Lungga - Madalas naglulungga ang mga n00b sa mga lokal na computer shop, pero mas marami ang mga nagkukulong lang magisa sa sarili nilang kwarto at sa internet na lang nagkikita-kita ang grupo nila na puro n00b din. Oo, nagkukumpol sila sa isang grupo, at sabay-sabay silang nagreregister sa isang online game o message board habang nanonood ng YouPorn.

Kaya 'wag kayong magugulat kung biglang magcrash ang server ng paborito mong online game o website. Malamang sabay-sabay naglog-on ang isang malaking grupo ng n00bs dun. Kaya ikaw manood ka na lang din ng RedTube.


Mutation - 'Di bihira na magmutate ang isang n00b at maging isang spammer ito. Mas malala maging spammer ang isang n00b, dahil talagang walang saysay ang mga mensahe niya, spammer man o hindi.


Pag-uugali - Ang n00b ay ignorate at tanga. Tulad ng nasabi kanina, nakaimbento na sila ng kanilang sariling dayalekto. Mataas din ang self-confidence nila, na pakiramdam nila pwede na silang sumali sa lokal na Miss Gay sa barangay nila. Mapapagkamalan din silang autistic. Sila ay may labis na tapang at self-centeredness.

Ugali na nila ang gumawa ng mga team, tulad ng Power Rangers at Voltes V, para mas malakas ang puwersa nila. Pero ito madalas ang dahilan ng pagbagsak nila-- ang 'di pagkakaisa. Kaya hindi umaasenso ang bansang Pilipinas.

Ang n00b ay hindi marunong umintindi ng Tagalog o Ingles, kaya't mabuti pang gumamit na lamang ng n00bish sa pakikipag-usap sa kanila.

Kapag ayaw nila ng post mo sa forum o edit mo sa wiki, aalisin nila ito.

Wala silang pakialam sa batas. Kaya 'wag iharap ang isang n00b sa pulis. At 'wag na 'wag iharap ang isang n00b kay GMA. da:N00b