My Way
Mula sa Pekepedia
- Hala! Baka ang hinahanap mo ay Kamatayan?
Ang kantang My Way (Tagalog: Ang Aking Dinaraan) ay isang kantang ginawa ni Frank Sinatra para... kontrolin ang popyulasyon ng Pilipinas at siyempre, para siya ay sumikat.
[baguhin] Bakit niya ginawa ito?
Noong nanunungkulan pa ang ating mahal na mahal na dating Pangulo na si Diosdado Macapagal ay napansin niyang ang pambansang palakasan ng Pilipinas ay paglalasing at... yung bagay na yun. Habang nasa concert ni Frank Sinatra, tinawag ni Pres. Talin... Macapagal ang mangaawit at humingi ng tulong para makontrol ang paglalasing at populasyon sa bansa. Gamit ang talento, nagawa ni Sinatra ang isa sa mga pinaka-delikadong sandata sa lahat: ang kantang My Way.
- Nakaka-ewan ba? Baguhin mo!