Friendster
“In Soviet Russia, profiles update YOU!!”
Ang Friendster ay isang websayt kung saan sinasayang ng libu-libong Pilipino ang kanilang oras. (at pera, kung sa computer shop pinupuntahan ang site) Malamang isa ka na dun.
Mga nilalaman
Layouts[baguhin]
Not a member? Join Friendster
New Members
Joker |
Barack |
Find Friends on Friendster
SearchKalimitan sa mga profile ng ibang mga gumagamit ng Friendster ay hindi tugma sa W3C standards, dahil sila ay mali ang contrast, sadyang hindi mabasa, masyadong matingkad ang kulay, o hindi talaga professional ang pagkakaayos ng kanyang pahina. Madalas din ay nakamamatay ang paghihintay mo sa isang profile na magload dahil sa sobrang daming ka-eklatan,eklavoosh,at kung anu-ano pang ka-chorvahan na wala namang kakwenta-kwenta.
Madalas matatagpuan ang mga nakakahiya at mga nakakadiring close-up ng mga users nito na kalimitang naka~emo style with t3h bangz. Isa ka na rin doon.
Inklusyon ng CSS[baguhin]
Ang paraan ng paggamit ng CSS ng Friendster ay limitado ng kanilang pinapayagan na CSS, na hindi alinsunod sa rekomendadong paraan ng W3C. Ang isang indibidwal, kung papayagan gumamit ng CSS ay dapat makakagamit ng buong CSS, halimbawa ng mga websayt na gumagamit ng buong CSS o kahit limitado basta't walang nilalabag na termino ng websayt ay Wordpress, Plurk, at mga MediaWiki websites tulad ng Wikipedia at Pekepedia (maaari mong baguhin ang sarili mong CSS sa Special:MyPage/monobook.css).
Isyu[baguhin]

Ang default na profile daw na walang layout (at kahit yung mga meron) ay masyadong payat, at hindi bagay kahit sa mga kompyuter na 800 sa 600 na ang resolusyon. Ngunit kamakailan lamang ay binago nila ang kanilang home page na sobra-sobra naman ang taba.
Kapag ikaw ay may nakilala IRL or anywhere exclusing friendster, malamang, kapag nagkakaigihan na kayo ay isa sa inyo ang magsasbi ng "Pa-add" (uy, gets mo din ahh, gusto mo din ako i-add noh?).
Ang friendster ay may kakayahan na gawing paranoid ang mga gumagamit nito, parang droga. Hindi mapakali ang mga gumagamit nito at bawat minuto ay walang habas nilang pinipindot ang "Who's viewed me?" link at magdamag na tinititigan na wala namang nangyayari.
Ang friendster ay may isa pang kakayahan na gawing bobo ang mga gumagamit nito dahil sa simpleng kontexto ng salitang komento o Comments na wala namang saysay. Tulad ng isang Glitter-studded na imahe (madalas emo) at mga walang kwentang chain messages na wala namang saysay talaga.
Madalas din abusuhin ang comments section dahil ginagawa etong chat box na hindi naman dapat. Dahil doon, ang tanging silbi ng built-in inbox ng friendster ay ang humawak ng sandamukal na chain letters na katangahan lang naman.
Pati ang bulletin board ay inaabuso na din ng mga walang kakwenta-kwentang self-interview posts na may pagkatanga-tangang titulo tulad ng . ,Last na eto pwamis..^^,Eto na talaga, pwamis, last na :D,Hindi ako emo,Lolo mo emo
Ang friendster ay napakagaling na mang-iSPAM ng iyong inbox, ang madalas na heading ng mga mensaheng walang kwenta ay ang paunawa na ang iyong kaibigan ay may ginawa na namang walang kwenta sa kanyang profile.
Currently, eto ang pinakahuling tala ng Alexa.com tungkol sa paggamit ng internet natin.
<alexabutton size="120x240" type="stats">yahoo.com</alexabutton> | <alexabutton size="120x240" type="stats">google.com</alexabutton> | <alexabutton size="120x240" type="stats">friendster.com</alexabutton> | <alexabutton size="120x240" type="stats">youtube.com</alexabutton> | <alexabutton size="120x240" type="stats">wikia.com</alexabutton> | <alexabutton size="120x240" type="stats">pekepedia.net</alexabutton> |
<alexagraph>yahoo.com friendster.com youtube.com</alexagraph>
Pagiging bakla[baguhin]
Noong huling bahagi ng 2009, "nagpalit" ng itsura ang Friendster, dahilan upang hindi lang ito naging pambakla, ngunit mismong naging bakla inside and out. Dahil ito sa panggagaya nito sa Facebook. Binago din ng Friendster ang logo nito, isang pinilit na dinikit-dikit ang hiwa-hiwalay na sulatin.
Tingnan din[baguhin]
- What's wrong with the FONT element? ni Warren Steel (Ingles)
- friendster.com (Pangunahing pahina)
Ang artikulong ito ay kinakailangang mapahaba.
Ang artikulong ito ay isang usbong (stub). Palawigin pa ito upang makatulong.
|
|||