Avatar: The Last Airbender
Ang Avatar: The Last Airbender (kilala sa Pilipinas bilang Avatar: Wag Kang Gagalaw May Manananggal Sa Likod Mo at Avatar: Ang Alamat ni Tsuko at sa Japan bilang アバター 伝説の少年㋡コ (Abatā Densetsu no Shōnen Tsuko)) ay isang seryeng kartun sa Nickelodeon tungkol sa apat na bansang nag-aaway-away dahil sa ka-engutan ng isang waterbender, si Dhakota.
Kwento[baguhin]
May isang batang nagngangalang Tsuko na palaging inaasar at binubully sa kanyang paaralan. Isang araw ay naisipan nila na i-flush si Tsuko sa isang panlalaking urinal. Biglang napunta siya sa isang kakaibang mundo na may apat na kaharian: ang Lalawigan ng Bullkan, ang Kaharian ng mga Marrmi, ang dalawang Tribung Masyadong Malaki at ang mga Ingut ng Cipon. Doon ay nakita niya ang kanyang nawawalang tiyuhin na si Airho. Napag-alaman niya sa isang silid-aklatan na para siya'y makabalik sa sarili niyang mundo, kailangan niyang mahuli ang tinatawag na Abatar, isang taong kayang gamitin ang apat na istilo ng bending, at i-merge ito sa kanyang tatay-tatayan na si Uhhsay. Isang araw, ang dalawang anak ng inguting waterbender na si Dhakota, sina Katana at Tsokla, ay pumalayo sa kanilang tirahan na Timog Tribung Masyadong Malaki para mangisda. Aksidente nilang napakawalan ang isang batang airbender na nagngangalang Tang Asterisks. Dito na nagsisimula ang kalokohan nila sa mundo ng Avatar.
Mga lugar[baguhin]
Ang mundo ng Avatar ay nahahati sa kanya-kanyang istilo ng bending[1].
Mga Tribong Masyadong Malaki[baguhin]
Ang mga tribung Masyadong Malaki ay binubuo ng mga waterbender.
- Timog Tribong Masyadong Malaki
- Dito nagsisimula ang kwento ng Avatar sa South Pole kung saan muntik-muntikan nang naaabutan ni Tsuko ang mga pasaway na sina Katana at Tsokla. Malapit din dito nakatago si Tang sa loob ng sandaang taon. Eh kung di ba naman tata*censored*-*censored* yung mga anak ni Dhakota eh, nung umalis si Tsokla sa tribo, wala nang lalaking naiwan (puro bata at matanda na lamang) at napilitan ang tribung lumisan. Maswerte sila't may nahanap silang bagong mundo—ang mundo ni Tsuko, kung saan doon na sila tumira.
- Hilagang Tribung Masyadong Malaki
- Hindi tulad ng timog na tribo, ang Hilagang Tribung Masyadong Malaki sa North Pole ay mistulang isang malaking lungsod, maraming tao dito, at handa sa giyera. Minsan ay bumisita dito si Bill Gates at tumulong sa pagpapa-unlad nito. Nagpamigay pa nga siya ng ilang laptop at desktop kompyuter.
Lalawigan ng Bullkan[baguhin]
Ang lalawigan ng Bullkan, kilala din bilang Hathorria, ay isang kapuluan na isa sa mga pinakamausok na lugar sa mundo. Ito ay binubuo ng mga firebender na kilala din bilang Hathorrian. Kaya nilang magpalabas ng apoy sa kamay o paa nila, gamit nila ito sa pagluluto. Mahilig sa gulo ang mga Hathorrian, kaya nga lumipat sa mundo ni Tsuko ang lahat ng mga airbender.
Kaharian ng mga Marrmi[baguhin]
Isa sa mga pinakamahigpit na kalaban ng mga firebender, ang Kaharian ng mga Marrmi ay sakop ang isang malawak na lupain na mistulang isang zoo sa dami ng mga baliw na earthbenders dito.
Mga tauhan[baguhin]

- Tang
- Ang Takda o Avatar. Isang takas na airbender mula sa Katimugang Templo ng Hangin. Maliban sa airbending ay hilig din niya ang sumakay sa mga higanteng mga hayop tulad ng alaga niya at ng butanding koi at kaya din niyang gawing hangin ang basura. Siya ay gurang na; higit 100 taong gulang na siya.
- Dhakota
- Ang engot na waterbender mula sa Timog Tribung Masyadong Malaki. Siya ang pinuno ng isang pangkat ng mga lalaki mula sa tribo (lahat lang naman sila) para sugurin ang mga umaatake sa may Kaharian ng mga Marrmi.
- Katana
- Ang tomboy na anak ni Dhakota na nagpakawala sa Abatar na si Tang.
- Tsokla
- Ang shoklang anak ni Dhakota na dahilang ng pagkakawala sa Abatar ni Katana. Engot din tulad ng kanyang ta-tay; palaging napapahamak ang grupo dahil sa kanya. Hindi rin siya marunong mag-waterbend, isa pang minus sa kanila.
- Tsuko
- Ang batang prinsipeng galing pa sa ibang mundo. May crush siya kay Katana. Sa tinagal niya sa mundo ng Avatar ay unti-unti siyang naging emo.
- Willie Revillame
- Isang TV show host na mahilig mag-imbento ng mga kanta.
- Tuff Pingpong
- Isang bulag na earthbender na nakilala ng grupo; 'nakakakita' siya gamit ang kakaibang balahibo niya sa paa, isang bloodline na abilidad ng piling mga earthbender tulad ng pamilya niyang Pingpong.
- Airho
- Isang retiradong heneral na nawawalang tiyo ni Tsuko. Matagal na siyang heneral ng Lalawigan ng Bullkan mula nang napunta siya sa mundo ng Avatar labing-apat na taon na ang nakakalipas. Kalmado lang siya sa lahat ng oras ngunit magaling din mag-firebend.
- Achura
- Nawawalang kakambal ni Tsuko.
- Upper
- Ang alagang higanteng bangaw ni Tang. Ang lahi ng mga higanteng bangaw ay alaga ng mga airbender matagal na panahon na. Natutunan din ng mga higanteng bangaw ang airbending mula sa kanila.
- Peach
- Isang lemur na gala.
- Jao
- Isang kumander ng Lalawigan ng Bullkan. Medyo kabaligtaran ni Airho, maikli ang kanyang pasyensya at pabara-bara sa firebending.
- Thai Lee
- Ang alalay ni Achura mula sa Thailand.
- Moy
- Ang emong rebelde na alalay ni Achura.
- Usay
- Ang tatay ni Tsuko at Achura.
- Monghe Gayatshou
- Si Monghe Gayatshou (ガヤッツショー), ang guro ni Tang isandaang taon na ang nakakalipas. Ang tatlong smiley face sa kanyang pangalan ay nagpapahiwatig na masayahin siyang tao.
Tignan din[baguhin]

Talasanggunian[baguhin]
- ↑ May apat na pinaka-common na istilo ng bending: waterbending, airbending, firebending at earthbending. Ang pinaka-engot dito ay earthbending (pano ba baluktutin ang isang sphere?)